May pag-asa pa ba?
To be practical mahirap isipin kung meron pa ngang pag-asa ang ating bansa.
Susog ako sa opinyon ni Karag, ang edukasyon, moral at nasyunalismo ay may malaking bahagi sa suliranin ng bansa na nag-uugat sa kurapsyon. ang kurapsyon ay nakaugat na sa ating kultura at sistema-- parang jueteng. Pag nabura mo ang jueteng, nabura mo lamang ang isang galamay ng kurapsyon. Ang iba pang galamay ay nasa pulitika, hudikatura at sa sarili natin. At pati na rin sa relihiyon!
Ayaw kong tanggapin, ngunit kung minsan ay naiisio kong tama, na magkakaroon lamang ng ganap na pagbabago tungo sa kaunlaran sa ating bansa kung lahat ng dating politiko at mga hurado sa pamahalaan ay mapapalitan. Paano? Sa isang digmaan. Natural, ayaw na tin mangyari ito dahil maraming buhay ang masasayang, kaya magtiis na lamang tayo ay masumikap na mapaunlad ang sariling kabuhayan. At higit sa lahat manalig lagi sa Diyos. Ang iyong pananalig na lamang ang masasabi mong iyong totoong kalayaan, at least sa ngayon.
|