Anong business ang para sa iyo?
Maraming negosyo ang gusto nating pasukin, okey lang iyon,pero may mga bagay na dapat nating ikonsidera. Upang maging maunlad ang papasukin mong negosyo, iminumungkahi ko ang mga sumusunod:
1) Dapat ang negosyong napili mo ay nasa kahiligan mo upang sa gayun ay nauunawaan mo ito at tiyak na kawiwilihan mo;
2) Dapat ito ay makakatulong sa iyo, sa kapwa mo, at sa komunidad na nakasasakop sa iyong lugar;
3) Ang negosyo mo ay environment-friendly at naglalayong mapaunlad ang antas ng kabuhayan ng lahat kawani mo at magbibigay ng magandang serbisyo sa mga tumatangkilik nito; at
4) Abot ng iyong kapital ang bubuksang negosyo na hindi maisasakripisyo ang pakinabang ng mga taong umaasa dito, partikular ang mga kawani.
Maaaring hindi ako negosyante, ngunit ito ang nakikita kong magandang suhestiyon. Good luck sa iyo at sana ay magtagumpay ka.
|