Ano nga ba ang idealismo? Nararapat lamang magkaroon ng idealismo ang pilipino o ang isang bansa upang malaman nya kung saan sya papunta na ito ay naaayon sa kanyang pangarap na lipunan na syang magtatagohud ng kanyang kinabukasan. Komunismo man o demokratiko kung ito ay magtataguhod ng interes ng mamamayan patungo sa kanyang matagal ng pangarap ay dapat tanggapin at isulong. Kung ang ipinagmamalaking demakrasya na hango sa dayuhang amerika ay makakabuti bakit hindi umunlad ang lipunan?, bakit patuloy ang paghahari ng iilan at nanatiling mahirap ang matagal ng mahirap? Hindi ba ang tunay na kahulugan ng demokrasya ay ang lakas ng mamamayan o people empowerment ang nananaig at nabibigyan ng tinig? Ang realidad ay kabaliktaran, ang pamahalaan ay pinupugadan ng mga naghaharing iilan at nagsasamantala sa ating maliliit, pawang ang interest lamang ng mga negosyante ang tanging may bigat sa pagtingin ng pamahalaan.
Patuloy tayong binubulag sa salitang komunismo at demokrasya na isinusulong ng mga imperialismong bansa,ngunit ang katotohanan ay ito ang sumusira sa atin mismo. ano man ismo kung hindi ito galing mismo sa ating pananaw o idya bilang isang nagsasariling bansa ay hindi magiging solusyon sa ating mga problema bilang bansa.
Tanggapin natin na wala tayong nagkakaisang kaisipan na magbubuklod sa ating at syang magtataguyod ng ating bansa sapagkat patuloy tayong hinahati ng mga makikitid na isip. "Hindi komonismo, hindi imperialismo kundi dapat ay
PILIPINISMO"ang sagot sa lahat!!
Kung ang pamahalaan ay taliwas sa ating mga pangarap at sya ang nagiging dahilan ng pag-udlot na mga ito ay dapat lamang nating asamin na tayong may mga dakilang layunin at natoto sa bulok na karanasan ng pulitika na naghahangad ng isang makabuluhang pagbabago ang syang dapat mangibabaw at magpalakad ng ating pinakamamahal na bansa.
