View Single Post
  #5  
Old 02-03-2005, 07:26 AM
JIm JIm is offline
Junior Member
 
Join Date: Jan 2005
Location: manila
Posts: 18
Red face Sino ang magmamalasakit?

Kakatwa na ang tingin ng iilan sa mga grupong nag-iingay sa lansangan ay panggulo at sahalip dapat itong tignan sa isang positibong pananaw ng isang sinasabing demokrasya. Magpasalamat tayo sapagkat maliban sa maraming umuungol sa kahirapan hindi naman magawang ipahiwatig ang ninanais. buti pa at may ganitong paraan ng komunikasyon ngunit limitado sa iilan may kaya ang nakakabasa. Ang mga grupo na nagpapahayag ng pagdismaya sa maling sistema at kabulokan ng pagpapatakbo ng pamahalaan bunga ng kahirapan at pagsasamantala ay nakakatulong sa mga taong manhid at walang pakialam kahit alam nilang tinatamaan at umaangal sila sa kahirapang dinaranas.

Kung walang mga tinig ang maririrnig mananatili ang mga mapagsamantala at ang mga taong ayaw makinig sa katotohanan o realidad ng lipunan at pamahalaan ay maituturing na nagnanais ang kasamaan ay umural at sa halip itinuturing pa nitong mga komunista ang mga mulat. Bakit monupolado ba ng komunista ang paglalahad ng katotohanan at pagnanais ng isang makabuluhang pagbabago? Hindi, sapagkat lahat ng nagnanais ng isang pagbabago ayon sa kanyang pangarap ay mga taong nagmamahal sa kanyang bansa.

Ang paglalahad ng katotohanan at pasisiwalat ng pagnanais ng pagbabago ay isang uri lamang ng pagpapatatag ng institusyon sa pamahalaan at hindi ang layunin ay wasakin ang pamahalaan sapagkat naniniwala tayo na ang pamahalaan ay nagmula sa mamamayan.

Ano mang bansa na walang pagkakaisa ng isang ideolohiya ay hindi magtatagumpay. ang mga bansang maunlad malinaw sa kanila ang kabansaan. Ang bansang tsina, japan at ibang bansang umunlad, sila ay nagkaisa muna ng paniniwala bilang isang bansa bago sila nagbukas ng kalakal sa ibang bansa, naging malinaw sa kanila ang paglingkuran at protektahan ang interes ng kanilang bansa.

Ang pagtaas ng piso kontra dolyar at paglaki ng GNP ay nangangahulugan ba ng pag-unlad? bakit hindi ito makita sa hapagkainan? Sapat naba ang kinikita ng mga manggagawa sa presyo ng mga bilihin? Isa lamang ang tunay dito at yan ang pagtaas ng GNP(Gutom Na Pilipino).
Reply With Quote