View Single Post
  #7  
Old 02-04-2005, 02:49 AM
Ruben Tagalog Ruben Tagalog is offline
Member
 
Join Date: Jan 2005
Location: Zambales/ Subic BAy Area
Posts: 49
Default Wala pang epektibong sistema ng pamahalaan sa mundo

Sa pagpapalitan ng opinyon nina Jim at Pilosopong Tasyo ay kanilang naipahayag ang paniniwala ukol sa akmang sistema ng pamahalaan para sa atin at ang rasyunal ng pagpapahayag sa lansangan.

Bawat isa sa kanila ay may binanggit na merito, meron din namang argumento.

Tama si Jim na wala sa anumang ISMO ang kaguluhan o sagot sa kahirapan ng bansa. Nasa sarili nating pagbabago ang sagot. Sabi nga niya ay PILIPINISMO.

Sumasang-ayon dito si Tasyo at kanya pang winika ang pamosong talastas ni dating US President JF Kennedy, "Ask what you can do for your country, not what your country do for you." Sabi nga ng mga politiko- Bayan muna bago ang sarili.

Hindi naman din sinasabi ni Jim na dapat ay Komunisma at hindi rin naman bionggit na dapat ay Demokrasya. Kaya walang argumento dito.

Sa palagay ko ay nagkakaisa naman kayo usapin ukol sa sistema ng pamamahala. Kaya mabuhay kayo.

Ang pagpapahayag sa lansangan ay isang proseso o pamamaraan na iginagalang ng halos lahat ng bansa, maliban siyempre sa bansang Tsina. Ngunit tayo ay mayroong demokratikong pamahalaan kaya pinahihintulutan ang pagmartsa sa lansangan. Pero dapat lamang tiyakin ng mga kinauukulang grupo na magiging matiwasay at mapayapa ang gagawing pagpapahayag at hindi mag-uudyok ng rebelyon/ Dito nagkakaroon ng suliranin na nareresolba din naman dahil aminado ang lahat na mahirap pigilin ang emosyon lalo na kung nadarama mo na ang init ng araw at pawis na kahirapan. At hindi kailanman dapat ituring na kamangmangan.

Ang pag-pasok ng makakaliwang grupo sa politika at maupo sa Kongreso ay isang karapatan na itinadhana ng Saligang Batas. Ito ay bunga ng lansangan. Tungo sa pangkalahatang kapayapaan.

Sa toto lamang, ayon sa aking napag-aralan, wala pang perpektong sistema ng pamahalaan sa mundo. Bawat isa ay may depekto at kahinaan. Ito ay bunsod na pagkakaiba-iba ng interpretasyon ng mamamayan sa kanilang kalayaan. Meron umuunlad ang ekonomiya ngunit naghihirap ang mamamayan, ang iba naman ay kabaligtaran.

Tama silang pareho-- sa tao dapat magsimula ang pagbabago hindi sa pamahalaan dahil tao rin ang nagpapatakbo ng pamahalaan.

Para kina Tasyo at Jim, at sa lahat ng Pilipino--- Mabuhay Tayo.
Reply With Quote