View Single Post
  #12  
Old 02-15-2005, 01:44 AM
Ruben Tagalog Ruben Tagalog is offline
Member
 
Join Date: Jan 2005
Location: Zambales/ Subic BAy Area
Posts: 49
Default Walang Argumento

Susog ako samga tinuran ni Pilosopong Tasyo, maliban sa pagkumpara ng Pilipinas sa estado ng Singapore dahil natural lamang na maging mataas ang mga bilihin sa estadong ito hindi dahil mataas ang buwis sa halip ay dahil sa antas ng pamumuhay (standard of living). Mas mataas ang antas pamumuhay mas mataas ang gastusin.

Tama na kailangan ng bansa ang buwis, walang argumento rito at nagkakaroon lamang kapag pag-uusapan na ang pamamaraan at kung anong uri ng buwis ang ipapataw sa mamamayan.

Tulad ng usapin sa VAT, sa katunayan mas adbantahe pa nga ang VAT sa tax payers dahil nakakabawas ito sa pag-fill up ng income tax return taon-taon.

Ngunit hindi na sana dagdagan pa ang sakop ng VAT at sa halip ay gampanan ng BIR ng tama ang kanilang responsibilidad na kolektahin ang mga nakatenggang buwis na hindi nakokolekta mula sa mga tax evaders at tax deliquents. Walang salapi ang kaban dahil, maraming nakakalusot na negosyante habang ang pangkaraniwang mamamayan bawat subo at naibayad na ng buwis.

Kung kaya nga tama na bantayan natin kung saan ginagamit ang nalilikom na buwis, at bantayan din natin kung gumaganap ba ng tama ang mga kinauukulang ahensya. Ang tanong pa nga ay -- saan tayo magsusumbong? Sa pamahalaan din ba? Hindi kaya nakakatawa kung nagkataon....?
Reply With Quote