Panawagan Para Sa Mga Gordon
PAMAWAGAN PARA SA MGA GORDON
Sen. Richard J. Gordon
Former Mayor Kate H. Gordon
Mayor James J. Gordon
Members of the Olongapo City Council
Dear Hon. Gordons,
Sana po ay tigilan na ninyo ang reklamasyon o ang pagtatambak ng lupa sa inyong Gordon Park sa baybayin ng Subic Bay sa Barangay Kalaklan, Olongapo City.
Alam kong nagbubulagbulagan lamang kayo kung kaya hindi ninyo nakikita na ang mga buhanging itinatambak ninyo sa inyong park ay naglikha na ng sandbar sa bunganga ng Kalaklan River- ang nag-iisang lagusan ng tubig-baha mula kalunsuran palabas sa Subic Bay! Kung dati po ay kailangan pang mamangka mula sa park patungo sa kabilang ibayo, ngayon ay maglalakd na lamang.
Barado na rin po ang Kalalake River na nakaugnay sa Kalaklan River kung kaya napakabaho na po ng tubig dito dahil hindi na natitinag.
Hon. Bong Gordon, sana po ay makonsyensya kayo at ibalik sa kaban ng bayan ang milyon-milyong piso mula sa inyong Coutryside Dev't Fund (CDF) na ginastos ninyo para sa dredging ng Kalaklan River taon-taon. Ito ay nagkakahalaga ng P5-10 milyon taon-taon, noong kayo ay kayo ay isa pang Kongresista. Kasi po ay sa bunganga din namn po ng ilog ninyo itinatambak ang nahuhukay na buhangin mula sa ilog kung kaya bumabalik ito sa ilog pag nagha-high tide!
Saka, tutal po ay malawak na ang inyong beach sa Gordon Park at maaari na rin tayuan ng hotel ang gabundok na itimbak ninyo. Natutuwa po ako kasi po alam kong kahit hindi kayo nagtagumpay na agawin ang lupa ng kalaban ninyong si Fr. Shay Cullen ay tumaas na rin ang lupa ninyo sa ibaba.
Sana din po ay magtagumpay kayo kasama ang inyong mga nalokong volunteers na limasin ang mga ilog ng mbahay namin sa pagdating ng tag-ulan dahil tiyak na tiyak na lulubog ang mga bahay namin sa baha.
Maraming salamat po sa inyong pagmamalasakit sa kapakanan ng inyong nasasakupan.
|