Buwis para kanino?
Mas tinatamaan ng buwis ang mamamayan sapagkat sa in-direct taxes na halos lahat ng ating binibili o ginagamit ay may karagdag o patong na buwis ng mga negosyante at dito nila pinapatong ang dapat bayarang buwis nila. Huwag natin sabihin libre na ang mahihirap sa buwis ngunit ito ang realidad lahat tayo ay may buwis na binabayaran.
Tama lang na ang tanging solusyon ay ang makatotohanang pangungulekta ng buwis at walang bahid na korapsyon. Hindi tayo makabayad ng ating pagkakautang sapagkat halos nababaon na tayo ng panibagong mga utang sapagkat ang mga prohektong pinaglaanan ng utang ay hindi naman nagsisilbi upang makaahon sa utang meaning hindi ito productive.
Ang sobrang gastosin ng pamahalaan ay isa lamang sa nagpapabigat ng pangangailangan upang punuan ng panibagong utang. Ok lang ang magbayad ng buwis o dagdagan pa ito kung may nakikita tayong magandang pinagkakalagyan ang binibigay nating buwis at hindi ang puro korapsyon na lamang ang nakikita. Bakit nga naman magbabayad pa ng dagdag na buwis kung ito naman ay mapupunta lamang sa bulsa ng iilan nagpapakasasa sa poder ng kapangyarihan?
|