View Single Post
  #15  
Old 02-23-2005, 01:21 AM
Pilosopong Tasyo Pilosopong Tasyo is offline
Member
 
Join Date: Dec 2004
Posts: 36
Default Buwis para sa mamamayan

Katulad ng aking sinabi, ang dapat bantayan ng mga mamayan ay kung saan napupunta ang tax na ating ibinabayad sa gobyerno. Hindi totoong ang tax ay ipinapasa ng mga negosyante sa mga mamayan. Dapat maintindihan ninyo ang input at output vat. May mga loopholes kung tawagin ang ating tax system. At ito ay dapat punan. Ngunit sa ating kalagayan na halos wala ng budget para sa edukasyon at infrastructure, sa aking palagay ay tama lang na magtaas ng buwis na kung saan ang mayayaman ang syang mas malaki ang kontribusyon. Inuulit ko, kailangan natin ng karagdagang buwis upang tayo ay makausad at hwag ng hintayin pang maayos sa madaling panahon ang problema natin sa korupsyon. Sapagkat, sa bawat sandali ay maraming nangangailangan ng tulong ng gobyerno. Sa aking palagay, ang 2% na increase ay napakaliit kumpara sa mangyayari sa hinaharap kung hindi makakalikom ng sapat na pera para maayos ang ating fiscal deficit at mapigilan ang pagbulusok ng ating ekonomiya.
Reply With Quote