View Full Version : The Vultures Are Coming!!
cupang
06-28-2005, 09:48 AM
Nakaabang na ang mga bwitre sa gobyerno, babagsak ba si GMA? Waiting sa pamamagitan ng propaganda, interviews, komentaryo, at sari-saring papansing gimmicks sa media!!! Kapag napalitan kaya si GMA? Bababa ang presyo ng petrolyo? Tataas ang sahod? Mumura ang bilihin? Uunlad ang bayan? etc. etc. O MAGKAKAROON NA NAMAN NG MGA GUTOM AT HAYOK NA POLITIKO NA MAGPAPASASA SA KAYAMANAN NG BAYAN, HABANG NAGHIHIRAP ANG MGA MAMAMAYAN?
Ruben Tagalog
06-29-2005, 12:33 AM
Maaaring tama ka Ginoong Cupang sa iyong komento. Sa pagbabago ng bawat administrasyon ng pamahalaan ay walang katiyakan tayong panghahawakan kung saan man tayo nito akayin- sa pagbabagong kaunlaran o panibagong antas ng paghihirap. Gayunman, mas mabuti na ang nakikipaglaban para sa pagbabago kaysa maging bulag-bulagan sa katotohanan ng kabuktutan.
Kung sakaling bumagsak ang pamahalaan ni Arroyo, walang katiyakan na uunlad na nga ang ating bansa. Maaaring tama si G. Cupang na maraming politiko ang mag-aagawan sa "matatamis" na posisyon sa pamahalaan, ngunit narito tayo- ang sambayanan- na mananatiling mapagmasid at kung kinakailangan, ay muling hahatol ng kanilang kapalaran.
Jacque Collinz
06-29-2005, 05:47 AM
Hanggang kailan ba tayo magbabago?... Baka naman tayo na ang nabubulagan dahil sa ating hangad na pagbabago?
Ang totoong dilat sa katotohanan ay di yaong mga tao na ang nakikita lamang ay ang mali. Kung tayo po na mamamayan ay patuloy na magpapagamit sa mga pulitiko na yan, di po natin makakmit ang inaasam na pagbabago.
Ang problema sa ating bansa ay hindi ang korapsyon, pagtaas ng kuryente, langis at mga bilihin. Tayo po na mga Pilipino mismo, unless we learn how to govern orselves and respect the governement wala pong mangyayri sa gobyerno natin.
Tayo kasing mga Pilipino, makulay ang ating kasaysayan. Ngunit di po tayo kumukuha ng aral sa ating nakaraan. We only look at the present, boboto tayo; kapagkaraan ng isang taon, magmamartsa sa kalsada para patalsikin ang pangulo dahil di mai-angat ang kahirapan natin, korapsyon, pagtaas ng bilihin at kung anu-ano pa. Ang mga problem po na ito ay kasama na nung isinilang ang ating republika.
Ang hanap po nating mga Pilipino ay milagro hindi matinong pangulo. Wala naman po kasing alam ang karamihan sa atin kundi ang umasa sa limos ng gobyerno. Kung tayo po mismo sa ating mga sarili ay maghahanap ng solusyon paano magkakatrabaho, paano kikita ng legal di mas maganda! Kung tayong mga pilipino, imbes na maghanap ng trabaho, ay tayo mismo ang gagawa ng trabaho para sa ating mga sarili, di mas maganda.
eyeinthesky
06-29-2005, 11:06 AM

Hi Jacque!,
E di wala na lang Presidente!. wala na ring panggulo ng Pilipinas!.
Moiraine
07-03-2005, 03:12 PM
Why depend solely on the government? Mga tao naghiirap dahil sa administrasyon? Wake up. Get up and stand on your own two feet, because though the government affects us all every single day, when you talk about "filipinos" na "naghihirap," you are applying individuality, singularity. The government can only do so much as to a person's personal wealth. Hindi na kasalanan ng gobyerno kung bakit wala kayong makain sa umaga. And daming so called "padre de pamilya" na naglalasingan sa gilid ng kalsada, and they wake up with nothing to feed their families having spent everything the night before. You can't blame that on the government. :o
"Give a man fish, and he will live for a day. Teach a man how to fish, and he will live forever." Have you ever heard that saying? Filipinos just want to go get the free fish day by day.
Jacque is right, I completely agree with him.
vBulletin v3.5.4, Copyright ©2000-2012, Jelsoft Enterprises Ltd.