View Full Version : Bakit tila nawawala ang tiwala ng mamamayan sa Gobyerno?
cupang
01-12-2005, 04:07 AM
Bakit kaya parang nawawala na ang tiwala ng mamamayang Filipino sa Gobyerno? Ang gobyerno ay yung mga nakaupo, mapaAdministrasyon o Oposisyon?
Eniruam
01-19-2005, 03:40 AM
Yes, Filipinos seemed to lost their trust in the present government. Why is that so? Isn't it that we are to be held accountable for this? Is it another way of saying that we lost trust in ourselves? For after all, we are the ones responsible for putting them on power. It means to say that we Filipinos seemed to doubt also our capacity to choose the right leaders. Its very unfortunate for us to suffer the consequences of our own doings. Anyway its not yet too late. As it has always been said, as long as we have life, we have hope. Let's all hope that we will got hold of the little hope that's left for all of us. It's now high time for us to change our rotten outlooks and principles to something new that is capable of couping up with the increasing complexities of modern life. We should be open to new ideas and we should not be contented to just settle down in one corner saying; that we lose our trust in our government officials. Why not we accept the fact that we fatally fail to chose the right leaders so that we can now move on by getting the best out of what we presently have and let's assist our government officials in proving their worth. :notme:
cupang
01-19-2005, 03:55 AM
Medyo tama yan, kaya lang during election naman halos mamimili ka lang ng "lesser evil" e, parang walang good among the evils. he he he he
Ruben Tagalog
01-21-2005, 02:28 AM
The government is really in the brink of collapse.
So many social problems that lead to another problems -economic, political and judicial.
What we need is the political will of the people in MalacaƱang, in is time in the leadership of Ms. Arroyo, to do their assignments. Prosecute those who cheated the government of millions of pesos in terms of taxes. Discharge and put into jail those who used their powers in government and military to gain millions od pessos for personal use.
Put stiffer penalties for those who violate the laws and stiffer for those who failed to implement the laws. Kumikita ng milyon ang mga tiwaling negosyante at kung mahuli ang mga ito ay pinagmumulta lamang ng katiting na halaga! Kulang pa s pambili ng kabaong ng mga namamatay sanhi ng pagkaganid sa salapi ng mga negosyanteng ito!
MASDAN NINYO ANG NAGANAP SA QUEZON. Huwag ding kalilimutan ang Donya Paz at iba pang trahedya. May naparusahan ba? Let us not wait another tragedy to happen before they act or investigate.
The government should be PROACTIVE AND NOT REACTIVE. Puro imbestigasyon pero wala namang napaparusahan. Pero nang si Juan Dela Cruz ang nakapag-umit ng ilang piso para may maipambili ng bigas para sa pamilya. tiyak ko kung mahuhuli
benjbern1020
01-29-2005, 09:59 AM
oo nga ang bulok kais ng sistema dito sa bansa natin. sana mayamang bansa ang pilipinas para di tayo kailangan dumanas ng ganito. kaya tuloy napipilitang mangibang bansa ng ibang mga kababayan natin. kahit ako apektado. galing ako sa ibang bansa na mayaman ang kultura at ekonomiya. ang sarap mamuhay sa ganong bansa. sana ganun din tayo. kailan kaya ito mangyayari
matanglawin
01-30-2005, 09:38 AM
Yes, indeed the people of our country are losing its confidence to the present administration. Not only to the present administration, but even with the past. What could be wrong? Almost all of us want a better change, but why is this happening so? Maybe its because of the rampant corruption in our country. This is the image of the politicians that has been planted in our minds. It is bad, di ba? And it hurts, because truth hurts :) . Due to this, politicians are viewed as nothing but an ultimate frustration. Sabi nga nila, "pare-pareho lang sila". But if we could change some bad portions of our country, maybe we could strive a little bit harder. One thing for that is vote-buying. We should stop this one not only to our extent, but also with the others, right? I hope so. Let us start changing it with ourselves.
Ano ba ang gobyerno? Ang gobyerno sa kahulugan sa ingles ay "Government of the people, by the people and for the people" ngunit tilang kabaliktaran ang gobyerno sa ating bansa. Mula sa tunay na pagkakakilala ng gobyerno ito ngayon ay "Government OFF the people, BUY the people ang FOOL the people".
Ang tunay na esensya ng paMAHALaan na mula sa salitang pinanggalingan MAHAL ay tahasang nawala at sa halip sa mga nagdaang panahon ay naging elemento ng kawalng pag-asa at isang mapanupil na pamahalaan.
Patunay lamang na ang pamahalaan ay nagsisilbi sa iilang may kapangyarihang tutugon sa interest ng iilan na may pansariling interest na pinuprotektahan at hindi ang interest ng mas-nakakaraming mamamayan.
Winasak ng iilang pulitikong mapagsamantala ang institusyon ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagwasak ng pagpapahalaga ng tao o mga values.
"Tal pweblo, tal gobyerno" kung ano ang mamamayan sya ang pamahalaan. Kung korap ang mamamayan dahil sa pagsira ng kanilang values tiyak ang pamahalaang kanyang itinayo ay korap din. Bahagi ang mamamayan sa paghubog ng kanyang pamahalaan at ng kanyang lipunan.
Mapapanumbalik lamang ang tunay na pamahalaan kung babagohin natin ang pamahalaan at ang mga taong mapagsamantala at papalitan ng magtataguhod ng ating interes.
Mabuhay ang UMDJ!!!!! :dancer: :clap:
Ruben Tagalog
02-10-2005, 12:41 AM
Hindi ko masyadong naliwanagan ang pahayag ni Jim. Pero sa suma, kung gusto natin na magkaroon ng TUNAY na pamahalaan na magtataguyod sa kapakanan ng mamamayan, isinususog ko at iminumungkahi sa lahat ng armadong puwersa at gayundin sa lahat ng militanteng samahan, pati na sa hunkbong sandatahan ng Pilipinas na itago muna ninyo ang inyong mga armas at pairalin ang kapayapaan sa buong sulok ng bansa.
Sa lahat ng puwersang armado, patotohanan muna ninyo na nais ninyo ng kapayapaan sa pamamagitan ng pagsalong ng inyong mga armas at pagpapailalim sa Saligang Batas ng bansang inyong kinapapalooban.
Gusto nating lahat ng kapayapaan, tama, ngunit habang ang bawat grupo ay may tangang armas o bala, sino ang maniniwala sa inyo?
Kapayapaan, gusto namin iyan. Sino ba ang ayaw ng kapayapaan? Maaaring ang mga grupo na ang nagkakamal ng malaking salapi sa paggamit ng "tulong sa mga biktima ng digmaan" o "rehabilitasyon sa mga biktima ng karahasan."
Pilosopong Tasyo
02-11-2005, 09:17 AM
Ang lahat ng problema natin ay namana lamang natin.
Hindi mo rin masasabi na walang gobyerno. Sa maniwala ka o hindi. May nagtitiwala man o wala. Sa hindi mo man kagustuhan. Ikaw ay nasa bansang pilipino at ikaw ay napapangibabawan ng isang gobyerno. Parte ka ng mga nangyayari sa kung ano mang bansa ka napapailalim. Ito ay dapat tanggapin ng bawat pilipino.
Kung mababa man ang pagtingin natin sa ating gobyerno ikaw pilipino ay parte nito. Muslim man o kristyano. El Shadai ,Iglesia o tamang daan ka man.
Kung pupunta ka sa ibang bansa...iisa lamang ang pasaporte papakita mo. Ito ay galing sa gobyernong sinasabi mo.
Malas mo nga lang na ikaw ay pinanganak sa bansang lubog sa kahirapan...na ang bawat mamayan ay walang inisip kundi ang sariling pakinabangan...mayaman man o mahirap. Walang inisip kundi ang ngayon at hindi ang bukas.
Magtiwala ka man sa gobyerno o hindi, nasa iyo nang kapasyahan. Tanggapin mo man o hindi.
Ikaw ay Pilipino. Mabuhay ka!
vBulletin v3.5.4, Copyright ©2000-2012, Jelsoft Enterprises Ltd.