PDA

View Full Version : Sa Pagkalat ng Pirated CD, VCD, DVD, Sino Ang May Sala?


Ruben Tagalog
02-02-2005, 12:47 AM
Isyu: Lagi na ay nababasa sa mga pahayagan at naririnig din sa mga radyo ang kampanya ng mga artista at producers laban sa mga pirated CD, VCD at DVD na sinisisi sa pagkalugi ng mga sinihan, artista at mga singers at producers. Milyon-milyo na ang halaga ng mga nakumpiskang iligal na produkto at marami na rin ang nasampahan ng kaso. Gayunman, patuloy ang pagkalat ng mga ito sa halos lahat ng panig ng bansa. At patuloy pa ring tinatangkilik ng publiko- ng masa (mahigit sa 70% ay nasa sektor na ito).

Alam nating lahat na ang mga artista-- singers at actors - ay sumisingil ng milyon-milyong piso para sa talent fee. Upang makabawi ang mga producers ay kanilang itinataas ng presyo ng kanilang produkto. Kumpara: ang isang legal ng CD/VCD/DVD ay nagkakahalaga ng P300.-P600. depende sa pangalan ng artista/singer. Ang pirated ay nagkakahalaga ng P35.00- P70.00 bawat isa! Ang CD/VCD/DVD player ay nagkakahalaga ng P4,000-P12,000. Ang pirated player ay P1,500.- P2,800!

Kamakailan, ipinasa ng Congressional Committee ang Implementing Rules and Regulation para sa Optical Media Board na nagbibigay sa huli ng kapangyarihang manghuli ng mga nagbebenta at bumibili ng pirated CD/VCD at DVD. Ito daw ay upang masawata ng pamimirata at makaliklom ang pamahalaan ng hanggang P50 bilyon.

Tanong: Naniniwala ka ba na ang pag-aresto sa mga nagbebenta at tumatangkilik sa pirated CD/VCD/DVD ay solusyon upang muling tangkilikin ng publiko ang legal na produkto? Ano sa palagay mo ang maitutulong ng mga artista, singers at producers sa suliraning ito?

cupang
02-02-2005, 03:11 AM
Ano ba talaga ang dahilan kung bakit bumibili ang tao ng mga pirated na cds at kung ano-ano pa? Simple lang...nagtitipid!! Isipin mo na lang na kung bibili ka ng original? Magkano? nasa P300.00 yata, samantalang makabibili ka ng mga P50.00 lang na pirated!!

Ang solusyon para di na bumili ng pirated? Isa lang, taasan ang minimum wage!! Kung ako halimbawa ay may pambili ng original, bakit ako hindi bibili ng original? Wala akong pera e, di bibili na lang ako ng mura!!

Teka nga muna? Bakit pag sa mga cd e maagap ang gobyerno? Bakit halimbawa ang isang namamalengke ay bumili ng sardinas lang at hindi makabili ng karne halimbawa, ay wala silang sinasabi? Di ba ganun din yan? Bakit wala tayong marinig na: " Bumili kayo ng mga Karne ng Baka" kesa sardinas, suportahan natin ang mga nagkakatay ng baka!!

Larusso
02-02-2005, 03:31 AM
Sang-ayon ako sa sinabi mo!