PDA

View Full Version : Our Economy and our Country


Maria Silang
11-24-2004, 08:37 PM
To be honest, I am not an Economist but what I can tell you is that our counrty is dealing with this humangus problem. Surely, as the books say, the biggest contributor to our economy is education. We educate people in order for them to be able to find a better job and then be able to have a decent income to support his/her family. What happens in our society is that, a family invests a lot of money in education. But what happens after graduation? OOPS, no jobs. Now, we are pressured to work abroad. Who is going to develop our country? Meanwhile other countries are the ones who benifit from our people. If we keep doing this, nothing is going to happen in our country. If there is no ECONOMY there is no COUNTRY.

Pilosopong Tasyo
01-04-2005, 02:12 AM
I think the government should work on cheaper education so that poor families don't have to invest all their earnings in education. They can instead invest their money into business. We also need to improve the education making the young filipinos concentrate on being an entrepreneur rather than just being an employee of a company. In that way they don't have to look for a job instead they can improve the unemployment rate of our country.

max
01-06-2005, 08:43 AM
I just don't see decisive and strict implementation of our LAW. The Executive overshadows the other bodies... May kanya-kanyang pakay ang mga namumuna. Ay paano tayo uunlad kung kanya-kanya tayong diskarte. LAHAT TAYO LALO NA ANG MGA LEADERS MAG-ISIP MUNA SILA NA PARANG NASA TUNNEL SILA. Ang proseso, end-to-end. To resolve any problem, there should always be a procedure. We should always consider the following:

1. Objective
2. End-to-end procedure
3. Action Items
4. Involved Personalities/Resource Person
5. Resolution

Unless we think that way, we will never be progressive. WE SHOULD PUT GOD IN THE CENTER TO MAKE ALL THESE THINGS HAPPEN.

Vhin
01-15-2005, 01:11 AM
I just heard that the government is deciding to have an additional VAT of 2% meaning from 10% to 12% and all Private institutions will have its Occupational tax aside from professional tax. I am objecting of this kind of issue. Having an added cost of taxes is not the proper way to uphold the present situation of our country. GMA should focused on graft and corruption which is the most reason why we are encountering such crisis and preventing our economy to be developed. Why does the masses will suffer for the abused power of the authorities? We should be transformed into Federal State so that no authorities can abuse their power. Filipinos should change. Graft and Corruption can be prevented if the body who governs will focused on it. GMA you should strive harder so that the masses will accept what you are doing. Change your platform of Government and be a man who have a word of honor. If you do so, we salute you!!!! :arty:

Pilosopong Tasyo
01-19-2005, 12:41 AM
Removing Pork Barrel is enough. We don't need the increase of VAT instead increase of wage salary. It may even translate to economic activities because people will have more buying power.

JIm
01-22-2005, 03:02 AM
Habang palaasa tyo sa kakayanan ng iban g dayuhan hindi kelan man uunlad ang ating Bansa. Habang walang oportunidad ang Pilipino sa ating Bansa upang maipamalas nila ang kanilang kakayanan at ito ay susuportahan ng pamahalaan hindi uunlad ang ating Bansa at sa halip ang mga Pilipinong may likas na yaman sa pag-gawa ay mangingibang bansa na lamang.

Ang pamahalaan ay dapat magtaguyod ng isang kaisipang magtatahi sa ating mga Pilipino upang paunlarin at mahalin ang nag-iisang bansa natin.

JIm
01-27-2005, 05:20 AM
:bawl: Bale wala ang lahat ng ipaiiral na batas pang ekonomiya kung mananatili ang korap na pamahalaan sa ating bansa. Dagdagan man ng 2% ang VAT sa dati nitong 10% VAT kung hindi siryoso mangulekta at nasusuholan parin ang mga kawani at maging ang namumuno ng pamahalaan ay bali wala din at sa halip mananatiling pahirap uli ito sa atin!

Alisan man ng PDF o CDF(Pork barrel) ang mga kongresista at senador kung ang magpapairal ng pagkakalagyan ng pondo mula sa mga mambabatas ay korap at tiwali bali wala parin! kaya ang dapat na solusyon ay isang tamang pagpalit ng mga namumuno!!!!!

OUST GLORIA NOW!!!!!!! :mad2:

Inday & Toto
01-27-2005, 12:19 PM
You're ON right there BUT, first we have to establish a strong, fair and independent JUDICIAL BODY so that we could put the government officials officials in trials and persecute who are unjust. This body should be without fear even with the President of the country....then, we could move on..... :nopity: :dance1:

Pilosopong Tasyo
01-31-2005, 06:05 AM
Folks! 2% is nothing. I don't know what's the fuss is. It's either we make it or we break it. Our Economy getting another notch down will mean we're really in a deep shi!t Do you think we can solve corruption in a year? Not in this country Mate! Don't eat in restos if you don't want vat. Don't shop and buy groceries in big super mall if you don't want vat. There's no such thing as free if you want to leave in a democratic country.

WALA NA BA TAYONG ALAM GAWIN KUNDI MAGPATALSIK NG PRESIDENTE?

Kung papansinin mo...ILANG PRESIDENTE NA ANG UMUPO pero WALA PA RING NANGYAYARI...

IYON AY DAHIL ANG PROBLEMA AY WALA SA GOBYERNO KUNDI SA MGA MAMAMAYAN.

KUNG WALANG NAGLALAGAY EH DI WALANG KURAP!

Ruben Tagalog
02-02-2005, 07:12 AM
Paumahin po kay Pilosopong Tasyo. Ngunit imposible ang suhestiyon mo na huwag nang kumain sa restos, bumili sa grocery at iba pa para makaiwas sa VAT. Normal ang VAT at tinanggap na ito ng mamamayan. Ang tinututulan lamang ay ang pagsasamantala ng pamahalaan sa pagpapataw ng VAT para lamang makalikom ng salapi para pondohan ang gobyerno. Ang pagpapataw ng buwis ay hindi solusyon sa suliranin ng pamahalaan. Sa pananaw ko, ang unang dapat gawin ay ang totoong pagpapatupad ng batas (political will) sa paraang makatao, pantay at walang kinilingan.


Hindi rin ako naniniwala na ang problema ay nasa mamamayan. Ang mahihirap, bunsod ng kahirapan, ay napipilitang kumapit sa patalim. Saan ba nanggaling ang mga "hinahakot" ng mga mayayamang politiko para sumama sa kanilang martsa, hindi ba't mahihirap na tulad ng galing sa Payatas, Smokey Mountain, Tondo at iba pang mahihirap na lugar at pamayanan.

Dapat bang pairalin ang prinsipyo? Tama pero dapat munang busugin ang sikmura ng taong nagugutom bago natin pag-usapan ang prinsipyo. May pagkakataon na nagpapabayad ang mahihirap, ngunit hindi dahil sila ay totoong bayaran sa halip ay wala na kasi silang matakbuhan at mahingian ng tulong.

Teka... sino ba ang nagpasimula ng mga pag-aaklas laban sa pamahalaan noong panahon ni Pang. Estrada.... hindi ba't mga mayayaman. Nang magsimula ang EDSA 2, sino ang nagtawag, di ba ang mga mayayaman sa Makati at Kamaynilaan? Pero sino ang totoong nagbantay sa EDSA, di ba't higit na nkararami ang mga mahihirap na umaasa sa ipamamahging libreng pagkain?

Sa forum na ito, sana ay maging maktwiran tayo at huwag hayaang talunin ng emosyon ang ating sarili. Muli paumanhin sa iyo kaibigan. Maraming Salamat.

Pilosopong Tasyo
02-03-2005, 01:42 AM
Wala sa ano mang forum ang solusyon ng ano mang suliranin. Tayo ay nandito para magpalitan ng mga kuro kuro. Kung ang letra ay malalaki ito ay dahil gusto ko lamang ielaborate ang aking ibig sabihin at kung mali man ang inyong pagkakaintindi, sana'y matanggap niyo ang aking paumanhin.

Mabalik tayo sa ating pinaguusapan.

Sa bansang singapore lamang ang halaga ng isang bote ng san miguel beer ay lagpas isang daan na. Ang mga grocery ay mataas din ang katumbas nito. Ito ay dahil sa buwis na pinapataw ng kanilang gobyerno. Ang tubig ay mahal din sapagkat wala silang natural resources at binibili pa nila ito sa Malaysia. Ang kanilang napaka liit na tirahan ay nagkakahalaga ng 15k pesos.

Dito sa pilipinas ang mga squatter ay libre ang kuryente, tubig at tirahan. Ito ay hinahayaan natin dahil na rin sa awa. Ngunit hindi nangangahulugan na ito ay tama.

Ano mang gobyerno ay hindi makakatupad ng kanilang adhikain kung walang buwis na pinapataw sa mga mamamayan nito.

Ang dapat nating bantayan ay kung saan napupunta ang mga buwis na ito.

Katulad ng aking huling sinabi, kung hindi tayo magpapatupad ng mga bagong buwis. Bababa ang ating credit rating, mas mahirap umutang ng pera, tataas ang interest ng ating kasalukuyang utang, maglalabasan ang mga mamumuhunan at madadagdagan ang dami ng walang trabaho.

Kung iyong titignan mas lalakas ang pwersa ng mga mahihirap at dadami ang ibig na sirain ang ano mang administrasyon...Sino kaya ang makikinabang kung ang gobyerno ay masira? Ang mga mamayan kaya o ang iilan lamang?

Masakit man tanggapin ngunit kailangan natin ng bagong buwis na ito.

Para iyong lalong maintindihan. Kung isang establisimento ay hindi nagbibigay ng resibo. Ikaw ay hindi nagbabayad ng VAT.

Sumakatuwid, kung bibili ka sa isang talipapa o sa dibisorya, ikaw ay hindi nagbabayad ng VAT.

Kaya nga may kakilala akong mayayaman na sa dibisorya na namimili.

Tayong mga dukha ay walang kakayanan kumain sa isang mamahaling restaurant kaya't nga't mas malaki ang binabayarang VAT ng mga mamamayan.

May maganda tayong adhikain ngunit ating siyasatin ng wasto upang tayo ay lalong mapaglinaw ang ating isipan.

Ruben Tagalog
02-15-2005, 01:44 AM
Susog ako samga tinuran ni Pilosopong Tasyo, maliban sa pagkumpara ng Pilipinas sa estado ng Singapore dahil natural lamang na maging mataas ang mga bilihin sa estadong ito hindi dahil mataas ang buwis sa halip ay dahil sa antas ng pamumuhay (standard of living). Mas mataas ang antas pamumuhay mas mataas ang gastusin.

Tama na kailangan ng bansa ang buwis, walang argumento rito at nagkakaroon lamang kapag pag-uusapan na ang pamamaraan at kung anong uri ng buwis ang ipapataw sa mamamayan.

Tulad ng usapin sa VAT, sa katunayan mas adbantahe pa nga ang VAT sa tax payers dahil nakakabawas ito sa pag-fill up ng income tax return taon-taon.

Ngunit hindi na sana dagdagan pa ang sakop ng VAT at sa halip ay gampanan ng BIR ng tama ang kanilang responsibilidad na kolektahin ang mga nakatenggang buwis na hindi nakokolekta mula sa mga tax evaders at tax deliquents. Walang salapi ang kaban dahil, maraming nakakalusot na negosyante habang ang pangkaraniwang mamamayan bawat subo at naibayad na ng buwis.

Kung kaya nga tama na bantayan natin kung saan ginagamit ang nalilikom na buwis, at bantayan din natin kung gumaganap ba ng tama ang mga kinauukulang ahensya. Ang tanong pa nga ay -- saan tayo magsusumbong? Sa pamahalaan din ba? Hindi kaya nakakatawa kung nagkataon....?

Pilosopong Tasyo
02-16-2005, 09:08 AM
Sa akin lamang ay mas mabuti nang sa mamayan kunin ang karagdagang financial imbes na manghiram pa sa ibang bansa na may kasama pang interest. Lalo na halos kalahati ng ating budget ay napupunta lamang sa pambayad sa utang.

Tama lamang na pagbutihin ng BIR ang pagkolekta ng buwis ngunit kailan pa mangyayari ito?

Sa kasalukuyang budget sa edukasyon na nangangailan ng lagpas 10 Bilyong Piso ay wala pa sa isang bilyon ang nakaalocate. Sa aking palagay ay ang katotohanan base sa ating kalagayan sa ngayon.

Hindi lahat ng mamayan ng bansang singapore ay mayayaman at namumuhay ng marangya. Sa katotohanan ay mas malaki pa ang bahay ng pinoy kaysa sa kanila. Ngunit bakit mas maunlad ang bayan nila kaysa sa atin?

Ang mabuti sigurong gawin habang pinupukpok ang BIR, CUSTOMS, PNP at iba pang sangay ng gobyerno ay isakatuparan ang fiskal reform.

JIm
02-20-2005, 10:09 AM
Mas tinatamaan ng buwis ang mamamayan sapagkat sa in-direct taxes na halos lahat ng ating binibili o ginagamit ay may karagdag o patong na buwis ng mga negosyante at dito nila pinapatong ang dapat bayarang buwis nila. Huwag natin sabihin libre na ang mahihirap sa buwis ngunit ito ang realidad lahat tayo ay may buwis na binabayaran.

Tama lang na ang tanging solusyon ay ang makatotohanang pangungulekta ng buwis at walang bahid na korapsyon. Hindi tayo makabayad ng ating pagkakautang sapagkat halos nababaon na tayo ng panibagong mga utang sapagkat ang mga prohektong pinaglaanan ng utang ay hindi naman nagsisilbi upang makaahon sa utang meaning hindi ito productive.

Ang sobrang gastosin ng pamahalaan ay isa lamang sa nagpapabigat ng pangangailangan upang punuan ng panibagong utang. Ok lang ang magbayad ng buwis o dagdagan pa ito kung may nakikita tayong magandang pinagkakalagyan ang binibigay nating buwis at hindi ang puro korapsyon na lamang ang nakikita. Bakit nga naman magbabayad pa ng dagdag na buwis kung ito naman ay mapupunta lamang sa bulsa ng iilan nagpapakasasa sa poder ng kapangyarihan?

Pilosopong Tasyo
02-23-2005, 01:21 AM
Katulad ng aking sinabi, ang dapat bantayan ng mga mamayan ay kung saan napupunta ang tax na ating ibinabayad sa gobyerno. Hindi totoong ang tax ay ipinapasa ng mga negosyante sa mga mamayan. Dapat maintindihan ninyo ang input at output vat. May mga loopholes kung tawagin ang ating tax system. At ito ay dapat punan. Ngunit sa ating kalagayan na halos wala ng budget para sa edukasyon at infrastructure, sa aking palagay ay tama lang na magtaas ng buwis na kung saan ang mayayaman ang syang mas malaki ang kontribusyon. Inuulit ko, kailangan natin ng karagdagang buwis upang tayo ay makausad at hwag ng hintayin pang maayos sa madaling panahon ang problema natin sa korupsyon. Sapagkat, sa bawat sandali ay maraming nangangailangan ng tulong ng gobyerno. Sa aking palagay, ang 2% na increase ay napakaliit kumpara sa mangyayari sa hinaharap kung hindi makakalikom ng sapat na pera para maayos ang ating fiscal deficit at mapigilan ang pagbulusok ng ating ekonomiya.