Philippine ForumsPhilippine Forums
Philippine Forums></td>
    </tr>

  </table>

<!-- /logo -->

<!-- content table -->
<!-- open content container -->

<div align=

Go Back   Philippine Forums > Philippines Issues > Philippines Economic Issues

Philippines Economic Issues $ in the Philippines

Reply
 
Thread Tools Search this Thread Display Modes
  #11  
Old 02-03-2005, 02:42 AM
Pilosopong Tasyo Pilosopong Tasyo is offline
Member
 
Join Date: Dec 2004
Posts: 36
Default with or without VAT

Wala sa ano mang forum ang solusyon ng ano mang suliranin. Tayo ay nandito para magpalitan ng mga kuro kuro. Kung ang letra ay malalaki ito ay dahil gusto ko lamang ielaborate ang aking ibig sabihin at kung mali man ang inyong pagkakaintindi, sana'y matanggap niyo ang aking paumanhin.

Mabalik tayo sa ating pinaguusapan.

Sa bansang singapore lamang ang halaga ng isang bote ng san miguel beer ay lagpas isang daan na. Ang mga grocery ay mataas din ang katumbas nito. Ito ay dahil sa buwis na pinapataw ng kanilang gobyerno. Ang tubig ay mahal din sapagkat wala silang natural resources at binibili pa nila ito sa Malaysia. Ang kanilang napaka liit na tirahan ay nagkakahalaga ng 15k pesos.

Dito sa pilipinas ang mga squatter ay libre ang kuryente, tubig at tirahan. Ito ay hinahayaan natin dahil na rin sa awa. Ngunit hindi nangangahulugan na ito ay tama.

Ano mang gobyerno ay hindi makakatupad ng kanilang adhikain kung walang buwis na pinapataw sa mga mamamayan nito.

Ang dapat nating bantayan ay kung saan napupunta ang mga buwis na ito.

Katulad ng aking huling sinabi, kung hindi tayo magpapatupad ng mga bagong buwis. Bababa ang ating credit rating, mas mahirap umutang ng pera, tataas ang interest ng ating kasalukuyang utang, maglalabasan ang mga mamumuhunan at madadagdagan ang dami ng walang trabaho.

Kung iyong titignan mas lalakas ang pwersa ng mga mahihirap at dadami ang ibig na sirain ang ano mang administrasyon...Sino kaya ang makikinabang kung ang gobyerno ay masira? Ang mga mamayan kaya o ang iilan lamang?

Masakit man tanggapin ngunit kailangan natin ng bagong buwis na ito.

Para iyong lalong maintindihan. Kung isang establisimento ay hindi nagbibigay ng resibo. Ikaw ay hindi nagbabayad ng VAT.

Sumakatuwid, kung bibili ka sa isang talipapa o sa dibisorya, ikaw ay hindi nagbabayad ng VAT.

Kaya nga may kakilala akong mayayaman na sa dibisorya na namimili.

Tayong mga dukha ay walang kakayanan kumain sa isang mamahaling restaurant kaya't nga't mas malaki ang binabayarang VAT ng mga mamamayan.

May maganda tayong adhikain ngunit ating siyasatin ng wasto upang tayo ay lalong mapaglinaw ang ating isipan.
Reply With Quote
  #12  
Old 02-15-2005, 02:44 AM
Ruben Tagalog Ruben Tagalog is offline
Member
 
Join Date: Jan 2005
Location: Zambales/ Subic BAy Area
Posts: 49
Default Walang Argumento

Susog ako samga tinuran ni Pilosopong Tasyo, maliban sa pagkumpara ng Pilipinas sa estado ng Singapore dahil natural lamang na maging mataas ang mga bilihin sa estadong ito hindi dahil mataas ang buwis sa halip ay dahil sa antas ng pamumuhay (standard of living). Mas mataas ang antas pamumuhay mas mataas ang gastusin.

Tama na kailangan ng bansa ang buwis, walang argumento rito at nagkakaroon lamang kapag pag-uusapan na ang pamamaraan at kung anong uri ng buwis ang ipapataw sa mamamayan.

Tulad ng usapin sa VAT, sa katunayan mas adbantahe pa nga ang VAT sa tax payers dahil nakakabawas ito sa pag-fill up ng income tax return taon-taon.

Ngunit hindi na sana dagdagan pa ang sakop ng VAT at sa halip ay gampanan ng BIR ng tama ang kanilang responsibilidad na kolektahin ang mga nakatenggang buwis na hindi nakokolekta mula sa mga tax evaders at tax deliquents. Walang salapi ang kaban dahil, maraming nakakalusot na negosyante habang ang pangkaraniwang mamamayan bawat subo at naibayad na ng buwis.

Kung kaya nga tama na bantayan natin kung saan ginagamit ang nalilikom na buwis, at bantayan din natin kung gumaganap ba ng tama ang mga kinauukulang ahensya. Ang tanong pa nga ay -- saan tayo magsusumbong? Sa pamahalaan din ba? Hindi kaya nakakatawa kung nagkataon....?
Reply With Quote
  #13  
Old 02-16-2005, 10:08 AM
Pilosopong Tasyo Pilosopong Tasyo is offline
Member
 
Join Date: Dec 2004
Posts: 36
Default Isakatuparan ang fiskal reform

Sa akin lamang ay mas mabuti nang sa mamayan kunin ang karagdagang financial imbes na manghiram pa sa ibang bansa na may kasama pang interest. Lalo na halos kalahati ng ating budget ay napupunta lamang sa pambayad sa utang.

Tama lamang na pagbutihin ng BIR ang pagkolekta ng buwis ngunit kailan pa mangyayari ito?

Sa kasalukuyang budget sa edukasyon na nangangailan ng lagpas 10 Bilyong Piso ay wala pa sa isang bilyon ang nakaalocate. Sa aking palagay ay ang katotohanan base sa ating kalagayan sa ngayon.

Hindi lahat ng mamayan ng bansang singapore ay mayayaman at namumuhay ng marangya. Sa katotohanan ay mas malaki pa ang bahay ng pinoy kaysa sa kanila. Ngunit bakit mas maunlad ang bayan nila kaysa sa atin?

Ang mabuti sigurong gawin habang pinupukpok ang BIR, CUSTOMS, PNP at iba pang sangay ng gobyerno ay isakatuparan ang fiskal reform.
Reply With Quote
  #14  
Old 02-20-2005, 11:09 AM
JIm JIm is offline
Junior Member
 
Join Date: Jan 2005
Location: manila
Posts: 18
Thumbs down Buwis para kanino?

Mas tinatamaan ng buwis ang mamamayan sapagkat sa in-direct taxes na halos lahat ng ating binibili o ginagamit ay may karagdag o patong na buwis ng mga negosyante at dito nila pinapatong ang dapat bayarang buwis nila. Huwag natin sabihin libre na ang mahihirap sa buwis ngunit ito ang realidad lahat tayo ay may buwis na binabayaran.

Tama lang na ang tanging solusyon ay ang makatotohanang pangungulekta ng buwis at walang bahid na korapsyon. Hindi tayo makabayad ng ating pagkakautang sapagkat halos nababaon na tayo ng panibagong mga utang sapagkat ang mga prohektong pinaglaanan ng utang ay hindi naman nagsisilbi upang makaahon sa utang meaning hindi ito productive.

Ang sobrang gastosin ng pamahalaan ay isa lamang sa nagpapabigat ng pangangailangan upang punuan ng panibagong utang. Ok lang ang magbayad ng buwis o dagdagan pa ito kung may nakikita tayong magandang pinagkakalagyan ang binibigay nating buwis at hindi ang puro korapsyon na lamang ang nakikita. Bakit nga naman magbabayad pa ng dagdag na buwis kung ito naman ay mapupunta lamang sa bulsa ng iilan nagpapakasasa sa poder ng kapangyarihan?
Reply With Quote
  #15  
Old 02-23-2005, 02:21 AM
Pilosopong Tasyo Pilosopong Tasyo is offline
Member
 
Join Date: Dec 2004
Posts: 36
Default Buwis para sa mamamayan

Katulad ng aking sinabi, ang dapat bantayan ng mga mamayan ay kung saan napupunta ang tax na ating ibinabayad sa gobyerno. Hindi totoong ang tax ay ipinapasa ng mga negosyante sa mga mamayan. Dapat maintindihan ninyo ang input at output vat. May mga loopholes kung tawagin ang ating tax system. At ito ay dapat punan. Ngunit sa ating kalagayan na halos wala ng budget para sa edukasyon at infrastructure, sa aking palagay ay tama lang na magtaas ng buwis na kung saan ang mayayaman ang syang mas malaki ang kontribusyon. Inuulit ko, kailangan natin ng karagdagang buwis upang tayo ay makausad at hwag ng hintayin pang maayos sa madaling panahon ang problema natin sa korupsyon. Sapagkat, sa bawat sandali ay maraming nangangailangan ng tulong ng gobyerno. Sa aking palagay, ang 2% na increase ay napakaliit kumpara sa mangyayari sa hinaharap kung hindi makakalikom ng sapat na pera para maayos ang ating fiscal deficit at mapigilan ang pagbulusok ng ating ekonomiya.
Reply With Quote
Reply


Thread Tools Search this Thread
Search this Thread:

Advanced Search
Display Modes

Posting Rules
You may not post new threads
You may not post replies
You may not post attachments
You may not edit your posts

vB code is On
Smilies are On
[IMG] code is On
HTML code is Off
Forum Jump


All times are GMT. The time now is 12:13 AM.


Powered by vBulletin Version 3.5.4
Copyright ©2000 - 2012, Jelsoft Enterprises Ltd.
copyright Philippine Forums 2004 - 2008