Reaction lang re: Pilosopong Tasyo
Paumahin po kay Pilosopong Tasyo. Ngunit imposible ang suhestiyon mo na huwag nang kumain sa restos, bumili sa grocery at iba pa para makaiwas sa VAT. Normal ang VAT at tinanggap na ito ng mamamayan. Ang tinututulan lamang ay ang pagsasamantala ng pamahalaan sa pagpapataw ng VAT para lamang makalikom ng salapi para pondohan ang gobyerno. Ang pagpapataw ng buwis ay hindi solusyon sa suliranin ng pamahalaan. Sa pananaw ko, ang unang dapat gawin ay ang totoong pagpapatupad ng batas (political will) sa paraang makatao, pantay at walang kinilingan.
Hindi rin ako naniniwala na ang problema ay nasa mamamayan. Ang mahihirap, bunsod ng kahirapan, ay napipilitang kumapit sa patalim. Saan ba nanggaling ang mga "hinahakot" ng mga mayayamang politiko para sumama sa kanilang martsa, hindi ba't mahihirap na tulad ng galing sa Payatas, Smokey Mountain, Tondo at iba pang mahihirap na lugar at pamayanan.
Dapat bang pairalin ang prinsipyo? Tama pero dapat munang busugin ang sikmura ng taong nagugutom bago natin pag-usapan ang prinsipyo. May pagkakataon na nagpapabayad ang mahihirap, ngunit hindi dahil sila ay totoong bayaran sa halip ay wala na kasi silang matakbuhan at mahingian ng tulong.
Teka... sino ba ang nagpasimula ng mga pag-aaklas laban sa pamahalaan noong panahon ni Pang. Estrada.... hindi ba't mga mayayaman. Nang magsimula ang EDSA 2, sino ang nagtawag, di ba ang mga mayayaman sa Makati at Kamaynilaan? Pero sino ang totoong nagbantay sa EDSA, di ba't higit na nkararami ang mga mahihirap na umaasa sa ipamamahging libreng pagkain?
Sa forum na ito, sana ay maging maktwiran tayo at huwag hayaang talunin ng emosyon ang ating sarili. Muli paumanhin sa iyo kaibigan. Maraming Salamat.
Last edited by Ruben Tagalog : 02-02-2005 at 08:16 AM.
|