Philippine ForumsPhilippine Forums
Philippine Forums></td>
    </tr>

  </table>

<!-- /logo -->

<!-- content table -->
<!-- open content container -->

<div align=

Go Back   Philippine Forums > Philippines Issues > Philippines Economic Issues

Philippines Economic Issues $ in the Philippines

Reply
 
Thread Tools Search this Thread Display Modes
  #1  
Old 01-26-2005, 06:54 AM
JIm JIm is offline
Junior Member
 
Join Date: Jan 2005
Location: manila
Posts: 18
Default Sino ang may sala?

Sa pagbulusok ng ekonomiya, apektado ba ang mga elitista at naghaharing iilan? Hindi ba tanging ang masa ang bugbog sarado sa labanan ng mga nagsasabwatang monopolista't kapitalistang dayuhan at mga taksil na naghaharing iilan sa ating lipunan sa pagkontrol at pagdomina sa ekonomiya ng bansa ang sanhi ng ating kahirapan. Higit pang lumulubog ang ating ekonomiya. Ang pagbaba ng halaga ng ating piso, kawalan ng trabaho at oportunidad, mababang pasahod, pagtaas ng presyo ng bilihin, pagbagsak ng negosyong Pilipino ay resulta ng kalapastanganan ng mga taong naging kasangkapan sa pagsasabatas ng mga patakarang pang-ekonomiyang kontra mahihirap tulad ng halimbawa ang General Agreement on Tariff and Trade (GATT) na walang habas na ibinalandera ni Gloria Arroyo sa senado at buong kapal-mukhang naman minaniubra ni Ramos upang ito'y mapagtibay at maisabatas sa dikta ng amo nilang dayuhan.

Sa kasalukuyan, nais ng pamahalaan maghugas kamay. Sa paniniwalang patuloy nilang mapapaikot ang isip ng masang Pilipino, nagpupustura silang nagmamalasakit sa bayan. Inaakala nila marahil na makakaligtas sila sa mapanuring mamamayan. Nagkakamali, sapagkat hindi sa lahat ng panahon ay mangingibabaw ang kasamaan at hindi sa lahat ng oras ay maloloko nila ang mga Pilipino.

ISULONG ANG TUNAY AT MAKABULUHANG PAGBABAGO!

-UMDJ
Reply With Quote
  #2  
Old 01-31-2005, 06:29 AM
Pilosopong Tasyo Pilosopong Tasyo is offline
Member
 
Join Date: Dec 2004
Posts: 36
Default Pagbulusok?

Ang mga taong mangmang ang syang naniniwala sa mga lumang sigaw ng iilan. Ang pinaglalaban ng iilan ay isang idealista ng comunista na sinipa pati na ng pinakamalaking comunista sa buong mundo. Ano nga ba ang idealistang ito para itulak ang mga mamamayan na sirain ang Gobyerno ng mga Pilipino? Ano nga ba ang intensyon ng mga iilan? ANG SILA ANG MAMUNO? At gamitin ang kanilang paniniwala na matagal ng sinipa ng ngayoy umuunlad na bansa?

Sa bawat bansa, may mayaman at may mahirap. Ang gusto ng iilan, ay pantay pantay, TANGGALIN ANG MAYAYAMAN! Yan ba ang solusyon na iyong pinaglalaban? Nagdudugo ang aking taenga!

Umaangal ka at sumisigaw ng bigyan mo kami ng trabaho! (Subukan mo kayang magapply muna?) Ngunit ibig mo namang patalsikin ang mga mamumuhunan?

Maari bang wag mong guluhin ang isip ng mga nakararami.

Kung hindi mo napapansin, lumalakas ang ating PISO.

Ang ibig sabihin nito ay dumadami ang bumibili ng PISO sa ibang bansa sapagkat nagkakaron sila ng kumpiyansa sa ating PERA.

ANG PAGBABAGO AY NASA ATING SARILI.

KUNG WALANG NAGLALAGAY EH DI WALANG KURAP!
Reply With Quote
  #3  
Old 01-31-2005, 09:37 AM
JIm JIm is offline
Junior Member
 
Join Date: Jan 2005
Location: manila
Posts: 18
Wink Idealismo?

Ano nga ba ang idealismo? Nararapat lamang magkaroon ng idealismo ang pilipino o ang isang bansa upang malaman nya kung saan sya papunta na ito ay naaayon sa kanyang pangarap na lipunan na syang magtatagohud ng kanyang kinabukasan. Komunismo man o demokratiko kung ito ay magtataguhod ng interes ng mamamayan patungo sa kanyang matagal ng pangarap ay dapat tanggapin at isulong. Kung ang ipinagmamalaking demakrasya na hango sa dayuhang amerika ay makakabuti bakit hindi umunlad ang lipunan?, bakit patuloy ang paghahari ng iilan at nanatiling mahirap ang matagal ng mahirap? Hindi ba ang tunay na kahulugan ng demokrasya ay ang lakas ng mamamayan o people empowerment ang nananaig at nabibigyan ng tinig? Ang realidad ay kabaliktaran, ang pamahalaan ay pinupugadan ng mga naghaharing iilan at nagsasamantala sa ating maliliit, pawang ang interest lamang ng mga negosyante ang tanging may bigat sa pagtingin ng pamahalaan.

Patuloy tayong binubulag sa salitang komunismo at demokrasya na isinusulong ng mga imperialismong bansa,ngunit ang katotohanan ay ito ang sumusira sa atin mismo. ano man ismo kung hindi ito galing mismo sa ating pananaw o idya bilang isang nagsasariling bansa ay hindi magiging solusyon sa ating mga problema bilang bansa.

Tanggapin natin na wala tayong nagkakaisang kaisipan na magbubuklod sa ating at syang magtataguyod ng ating bansa sapagkat patuloy tayong hinahati ng mga makikitid na isip. "Hindi komonismo, hindi imperialismo kundi dapat ay PILIPINISMO"ang sagot sa lahat!!

Kung ang pamahalaan ay taliwas sa ating mga pangarap at sya ang nagiging dahilan ng pag-udlot na mga ito ay dapat lamang nating asamin na tayong may mga dakilang layunin at natoto sa bulok na karanasan ng pulitika na naghahangad ng isang makabuluhang pagbabago ang syang dapat mangibabaw at magpalakad ng ating pinakamamahal na bansa.

Reply With Quote
  #4  
Old 02-02-2005, 03:02 AM
Pilosopong Tasyo Pilosopong Tasyo is offline
Member
 
Join Date: Dec 2004
Posts: 36
Default

Quote:
Originally Posted by JIm
Kung ang ipinagmamalaking demakrasya na hango sa dayuhang amerika ay makakabuti bakit hindi umunlad ang lipunan?

Kung ang pamahalaan ay taliwas sa ating mga pangarap at sya ang nagiging dahilan ng pag-udlot na mga ito ay dapat lamang nating asamin na tayong may mga dakilang layunin at natoto sa bulok na karanasan ng pulitika na naghahangad ng isang makabuluhang pagbabago ang syang dapat mangibabaw at magpalakad ng ating pinakamamahal na bansa.

Ano mang idealismo ang mayron ka kung ikaw mismo ay bulok kahit komunista ka man ay walang mangyayari sa iyong kabuhayan. Ito ay nakita ng bansang tsina kaya naman binuksan nila ang kanilang kaisipan sa mga banyaga at ngayon ay tumatamasa ng kasaganahan.

Bakit nga ba ang bansa ay naghihirap?

Sapagkat ano mang porma ng gobyerno pag may mga groupo na ibig sirain ito ay hindi kailan man makakatamasa ng kasaganahan.

BUKSAN ANG ISIPAN, ILANG DEKADA PA BA? ILANG BUHAY PA BA? BAGO MO MALAMAN NA ANG IYONG PINAGLALABAN AY SA MALING PAMAMARAAN.

"Ask not for what the country can do for you rather what you can do for the country"

Ang mamuhay sa anumang bansa ay hindi libre. Ito ay nagtataglay ng responsibilidad hindi lamang sa sarili ngunit pati na rin ang anumang nasasakupan nito upang pagtibayin ang pamahalaan.

Ang pamahalaan ay ang masa at ang adhikain na sirain ang pamahalaang ito ay nangangahulugang pagkasira ng bawat isa. Ang katarungan at lalo na ang solusyon ay wala sa kalsada.

ANG PINAKAMAKABULUHANG PAGBABAGO AY NASA BAWAT MAMAYAN, HUWAG LAMANG HANAPIN SA PAMAHALAAN.
Reply With Quote
  #5  
Old 02-03-2005, 07:26 AM
JIm JIm is offline
Junior Member
 
Join Date: Jan 2005
Location: manila
Posts: 18
Red face Sino ang magmamalasakit?

Kakatwa na ang tingin ng iilan sa mga grupong nag-iingay sa lansangan ay panggulo at sahalip dapat itong tignan sa isang positibong pananaw ng isang sinasabing demokrasya. Magpasalamat tayo sapagkat maliban sa maraming umuungol sa kahirapan hindi naman magawang ipahiwatig ang ninanais. buti pa at may ganitong paraan ng komunikasyon ngunit limitado sa iilan may kaya ang nakakabasa. Ang mga grupo na nagpapahayag ng pagdismaya sa maling sistema at kabulokan ng pagpapatakbo ng pamahalaan bunga ng kahirapan at pagsasamantala ay nakakatulong sa mga taong manhid at walang pakialam kahit alam nilang tinatamaan at umaangal sila sa kahirapang dinaranas.

Kung walang mga tinig ang maririrnig mananatili ang mga mapagsamantala at ang mga taong ayaw makinig sa katotohanan o realidad ng lipunan at pamahalaan ay maituturing na nagnanais ang kasamaan ay umural at sa halip itinuturing pa nitong mga komunista ang mga mulat. Bakit monupolado ba ng komunista ang paglalahad ng katotohanan at pagnanais ng isang makabuluhang pagbabago? Hindi, sapagkat lahat ng nagnanais ng isang pagbabago ayon sa kanyang pangarap ay mga taong nagmamahal sa kanyang bansa.

Ang paglalahad ng katotohanan at pasisiwalat ng pagnanais ng pagbabago ay isang uri lamang ng pagpapatatag ng institusyon sa pamahalaan at hindi ang layunin ay wasakin ang pamahalaan sapagkat naniniwala tayo na ang pamahalaan ay nagmula sa mamamayan.

Ano mang bansa na walang pagkakaisa ng isang ideolohiya ay hindi magtatagumpay. ang mga bansang maunlad malinaw sa kanila ang kabansaan. Ang bansang tsina, japan at ibang bansang umunlad, sila ay nagkaisa muna ng paniniwala bilang isang bansa bago sila nagbukas ng kalakal sa ibang bansa, naging malinaw sa kanila ang paglingkuran at protektahan ang interes ng kanilang bansa.

Ang pagtaas ng piso kontra dolyar at paglaki ng GNP ay nangangahulugan ba ng pag-unlad? bakit hindi ito makita sa hapagkainan? Sapat naba ang kinikita ng mga manggagawa sa presyo ng mga bilihin? Isa lamang ang tunay dito at yan ang pagtaas ng GNP(Gutom Na Pilipino).
Reply With Quote
  #6  
Old 02-04-2005, 12:29 AM
Pilosopong Tasyo Pilosopong Tasyo is offline
Member
 
Join Date: Dec 2004
Posts: 36
Default Ang pagiging komunista ba ay kailan man nakita sa hapagkainan?

Ang mga komunista ay nakaupo na katabi ng mga bayawak sa congresso. Ano pa bang represante ang kailangan para magkalat pa sa lansangan. Kung ang paghihiyaw sa lansangan ay isang demokratikong pamamaraan na nakapagbibigay ligaya sa isang komunista, hindi bat niyakap na rin niya ang pagiging demokratiko? Kung gayon hindi ba't nagkaisa na tayo sa demokratikong pamahalaan. Bakit ang iilan ay iginigiit ang kanilang idelohiya? Ito ay sa kagustuhang magkagulo ang ating bansa at tuluyang magkawatakwatak dahilan sa sariling interest?

Ang pagkakalat ba sa lansangan ay libre? O nangangailangan ng malaking pera para magsagawa ng isang protesta? Sino nga ba namumuhunan sa mga ito? Ang iilan na may sariling interest? Na kunwari ay may pinaglalaban?

Doon kayo sa kangkongreso magsisigaw at magsisikalat. Sapagakat doon ay inilaan ng demokratikong bansa upang ang bawat isa ay mapakinggan at hindi sa lansangan.

Ang pagtaas ng piso kontra dolyar ay isang panimula lamang. Ang pagkakalat ba sa lansangan kailan man ay nakita na sa hapagkainan? Ang iilan ay di kailang man nagdulot ng ano mang kabutihan bagkus ay kapamahakan sa pamamagitan ng panggugulo at pananakot na gawain lamang ng isang terrorista.

Hindi kailan man nangailan ng isang armas upang magkalat ng takot sa mamayan.
Reply With Quote
  #7  
Old 02-04-2005, 02:49 AM
Ruben Tagalog Ruben Tagalog is offline
Member
 
Join Date: Jan 2005
Location: Zambales/ Subic BAy Area
Posts: 49
Default Wala pang epektibong sistema ng pamahalaan sa mundo

Sa pagpapalitan ng opinyon nina Jim at Pilosopong Tasyo ay kanilang naipahayag ang paniniwala ukol sa akmang sistema ng pamahalaan para sa atin at ang rasyunal ng pagpapahayag sa lansangan.

Bawat isa sa kanila ay may binanggit na merito, meron din namang argumento.

Tama si Jim na wala sa anumang ISMO ang kaguluhan o sagot sa kahirapan ng bansa. Nasa sarili nating pagbabago ang sagot. Sabi nga niya ay PILIPINISMO.

Sumasang-ayon dito si Tasyo at kanya pang winika ang pamosong talastas ni dating US President JF Kennedy, "Ask what you can do for your country, not what your country do for you." Sabi nga ng mga politiko- Bayan muna bago ang sarili.

Hindi naman din sinasabi ni Jim na dapat ay Komunisma at hindi rin naman bionggit na dapat ay Demokrasya. Kaya walang argumento dito.

Sa palagay ko ay nagkakaisa naman kayo usapin ukol sa sistema ng pamamahala. Kaya mabuhay kayo.

Ang pagpapahayag sa lansangan ay isang proseso o pamamaraan na iginagalang ng halos lahat ng bansa, maliban siyempre sa bansang Tsina. Ngunit tayo ay mayroong demokratikong pamahalaan kaya pinahihintulutan ang pagmartsa sa lansangan. Pero dapat lamang tiyakin ng mga kinauukulang grupo na magiging matiwasay at mapayapa ang gagawing pagpapahayag at hindi mag-uudyok ng rebelyon/ Dito nagkakaroon ng suliranin na nareresolba din naman dahil aminado ang lahat na mahirap pigilin ang emosyon lalo na kung nadarama mo na ang init ng araw at pawis na kahirapan. At hindi kailanman dapat ituring na kamangmangan.

Ang pag-pasok ng makakaliwang grupo sa politika at maupo sa Kongreso ay isang karapatan na itinadhana ng Saligang Batas. Ito ay bunga ng lansangan. Tungo sa pangkalahatang kapayapaan.

Sa toto lamang, ayon sa aking napag-aralan, wala pang perpektong sistema ng pamahalaan sa mundo. Bawat isa ay may depekto at kahinaan. Ito ay bunsod na pagkakaiba-iba ng interpretasyon ng mamamayan sa kanilang kalayaan. Meron umuunlad ang ekonomiya ngunit naghihirap ang mamamayan, ang iba naman ay kabaligtaran.

Tama silang pareho-- sa tao dapat magsimula ang pagbabago hindi sa pamahalaan dahil tao rin ang nagpapatakbo ng pamahalaan.

Para kina Tasyo at Jim, at sa lahat ng Pilipino--- Mabuhay Tayo.
Reply With Quote
  #8  
Old 02-27-2005, 10:03 AM
jela marasigan jela marasigan is offline
Junior Member
 
Join Date: Feb 2005
Posts: 6
Thumbs up Kaaliw Na Talastasan

For Jim and Pilosopo Tasyo...Khit n magkaiba ang inyong pagtingin sa idealismo
at pananaw sa mga kaganapan sa ating bayan akoy natutuwa na may mga natitira pang PILIPINO na may malasakit sa KAPWA PILIPINO AT BAYANG PILIPINAS.

MABUHAY KAYO!

Reply With Quote
Reply

Thread Tools Search this Thread
Search this Thread:

Advanced Search
Display Modes

Posting Rules
You may not post new threads
You may not post replies
You may not post attachments
You may not edit your posts

vB code is On
Smilies are On
[IMG] code is On
HTML code is Off
Forum Jump

All times are GMT. The time now is 06:59 AM.

Powered by vBulletin Version 3.5.4
Copyright ©2000 - 2012, Jelsoft Enterprises Ltd.
copyright Philippine Forums 2004 - 2008