The Philippine Justice System is a farce
Parang Just tiis imbes na justice
Ang mga huwes natin gusto postpone
Late sila postpone
May seminar postpone
Habang postpone dito postpone doon
Tatlong taon na hindi pa nakaka-umpisa ang kaso
Bayad ka ng bayad sa abogado
Uubusin ka muna ng pagtitiis bago mag-umpisa
Pagmag-uumpisa na wala nang pambayad sa abogado
Walang karapatan ang ordinaryong dukha na ipagtanggol ang kanyang sarili
Aasa sa isang abogadong takot
Aasa sa isang abogadong bayaran ng kalaban
Aasa sa isang abogadong ayaw maniwala sa kanyang ipinagtatanggol
Aasa sa isang abogadong magpapatalo ng kaso laban sa kanya
Walang karapatan ang isang ordinaryong dukha sa harap ng korte
Kung hindi ang isang abogadong inatasan na ipagtanggol siya
Isang abogadong, hindi niya maaasahan
Ang Katarungan sa Pilipinas ay isang malaking kabaliwan
Hindi nila alam kung ano ang kaibahan ng "probable cause" sa "guilt beyond reasonable doubt"
Sa circumstantial evidence - puwede ka ng makulong
Sirkumstansiya lang dahil kawawa kang animal ka
Kinasuhan ng amo, lagot si empleyado - maski walang ebidensiya kulong si empleyado dahil sa sirkumstansiya na nagtrabaho siya sa amo niyang saksakan ng sama
Do I still believe in our present justice system?
Magpalakad ka ng pagong mula Aparri, makakarating yun sa dulo ng Zamboanga hindi pa tapos ang kaso.
To those who have seen the justice system, they have seen it all. Patira mo na lang, masmabilis at malinis pa. Madaming huwes at abogadong polpol.
