Para sa Kaalaman ng Lahat!
Sumiklab na naman ang kaguluhan sa Mindanao. Marami ang nangamba sa maaaring idulot nito. Kabuhayan, seguridad, edukasyon at ekonomiya… ang lahat ng mga ito ay apektado.
Ngunit sa kabila ng malaking pangamba ng gobyerno at ng mga mamamayan sa maaaring mangyari sa Mindanao, may mga nagpaplano na naman ng malawakang destabilisasyon laban sa administrasyon. Sa pagkakataong ito, ang mga makakaliwa at oposisyon ay nagsasanib ng pwersa upang maisakatuparan ang nag-iisa nilang mithi na ibagsak ang administrayon.
Lingid sa kaalaman ng nakararami, ang planong ito ay nagsimula pa sa pamamagitan ng paglabas ng mga “fabricated survey results” ng Pulse Asia at SWS na ginastusan at pinamunuan ni Serge Osmeña. Bukod dito, ang pagpapalaganap ng maling impormasyon sa publiko sa pamamagitan ng TV at newspaper ads ay ginastusan naman ni Sen. Ping Lacson sa tulong ng kanyang mga kaibigang instik na sina Raymund Chan, Alex Kho at Luke Roxas. Kapansin-pansin na ang mga lumabas na “survey results” noong mga nakalipas na buwan ay dinisenyo upang mabawasan o mawala ang tiwala ng mga mamamayan sa gobyerno.
Sa ngayon, ang koalisyon ng mga makakaliwang grupo at oposisyon ay nakakita ng oportunidad sa kaguluhan sa Mindanao para gamitin laban sa gobyerno sa pamamagitan ng pagbubuntod ng sisi dito. Sa pagkakataong ito, naging parte na ng plano nila ang paigtingin ang isyu at kaguluhan sa Mindanao upang palabasin na wala nang kakayahan ang gobyerno na mapanatili ang kaayusan at kapayapaan. Sa ganitong paraan, maaring mabawasan o mawala ang tiwala ng taong-bayan sa gobyerno at ito ang magbibigay ng pagkakataon sa naturang koalisyon upang ibagsak ang pamahalaan at tuluyang sila ang mamuno. Bukod dito, nagsimula muling ligawan ng oposisyon ang mga kawani ng AFP at PNP upang makakuha ng suporta. Nais ng Oposisyon na muling buwagin at wasakin ang hanay ng AFP/PNP, na sa banding huli ay mga makakaliwang grupo ang makikinabang dito.
Marami na ang pagtatangkang ginawa ng oposisyon na pabagsakin ang pamahalaan. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi na nila batid ang epekto ng kaguluhan sa Mindanao sa mga ordinaryong mamamayan, lalo na sa mga kabataan at kababaihan. Marahil ay mas-importante sa kanila ang mapa-upo sa mataas na posisyon kaysa pagtuunan ng pansin ang maaring kahihinatnan ng naturang kaguluhan. Sa halip na tumulong upang mabigyan solusyon ang problema ay ginagamit pa nila ito para sa pansariling kapakanan. Hindi na kinakailangang magmadali at mang-agaw ng posisyon. Malapit na ang 2010 kung kailan maari nilang patunayan ang kanilang kakayahang mamuno sa bansa.
|