Two-Party System Dapat Bang Ibalik
Maraming bansa ang mayroon lamang dalawang partido ng politika at napatunayan nila na ito ay epektibo at pabor sa publiko. Sa Pilipinas, dati ay mayroon lamang dalawang partido- ang Liberal at Nacionalita Parties. Ngunit makaraan ay dumami ito na parang kabuti. Marami rin ang nakapansin na naging mas magastos at marahas ang kampanyahan. Pati publiko ay apektado dahil sa hirap ng pagpili ng kanilang kandidato. Panghuli, dahil sa dami ng partido na naglalaban, hindi na isyu o pilosopiya ng partido ang pinatatalunan sa debate at sa halip ay nagbabatuhan na lamang ng kanikanilang bulok. Nariyan din ang lipatan ng partido para lamang makakuha ng slot sa kampanyahan.
Sa mga naihayag ng kaganapan, naniniwala ka ba o hindi na dapat nang ibalik sa two-party sysem ang politika sa bansa.? Bakit?
Last edited by Ruben Tagalog : 01-31-2005 at 02:13 AM.
|