
Matagal nang suliranin sa lungsod ng Olongapoang political dynasty!
Ngunit sino ang susuway sa kagustuhan ng mga GORDON? Kung susuriin mong mabuti, karamihan sa mga kawani ng City Hall at iba pang sangay na ahensya nito ay magkakamag-anak, magkupare o inaanak.
Maganda ang sistema ng mga Gordon kung sa ibabaw ka lamang titingin. Ngunit kung ikaw ay isang mapagsuri, tulad ng mga mamahayag, makikita mo ang mga bulok na sistema, gaya ng nagaganap ngayon na may ilang oposisyon na nakapasok sa City Council at ang Vice Mayor ay mula sa oposisyon.
Isa pa, dahil sa danastiya, ang lungsod ay nakukuba na at napag-iiwanan ng mga katabing bayan na dati ay maituturing lamang na mga maralitang bayan. Ngayon, nauna pang maging maunlad ang Balanga at Dinalupihan, Bataan. Ang san Fernando na patuloy na sinasalanta pa man din ng lahar. Umuulad ang pisikal at sosyal na istraktura ng mga bayang nabanggit, ngunit anOlongapo ay nananatiling nakataghod na lamang dahil ayaw ng mga Gordon na makipagkooperasyon sa kanyang mga kapit-lalawigan.
Ngayon na lamang nagbago ang ugali ng mga Gordon ngayon na nag-aambisyong maging Presidente ang anak ng Amerikano na si Richard Gordon.
Isang dahilan na sinasabi pa kung bakit halos walang negosyo na pumapasok sa Olongapo ay dahil sa hinihinging 20% capital share ng mga opisyal ng lungsod mula sa new investors. Kung kaya sa halip na mamuhunan sa lungsod ay lumilipat na lamang sila sa ibang bayan, maliban kung nakatitiyak ng malaking kita.
Isa pa, kung maramdaman ng mga Gordon at kaanak nito na nagpapakita na ng pagsuway sa kautusan ang isang kawani, iisaisahin ng mga "sugo" ang mga kamag-anak ng kawani upang takutin ito. Dahil kung hindi yuyukod ang kawani, ang mananagot ay ang mga kamag-anak nito na nasa payroll ng city hall, ika nga ay command responsibility.
Dynasty, silipin ninyo ang bumubuo ng city council, mga manager ng departamento, at iba pang tanggapan na sinusuwelduhan ng lungsod-- mga Juico, Cruz, Gregorio at iba pa na pawang kadugo ni madam Kate, ang asawa ni Richard Gordon.