Ang Subic Freeport bilang katuwang sa pagpapaunlad ng bayan
Sa 10-point agenda ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay tuwirang tinukoy ang Subic Bay Freeport, kasama ang Clark, na higit pang pauunlarin upang ganap na maging sentro ng industriya at turismo, hindi lamang sa Gitnang Luzon, ngunit maging sa buong Timog-Silangang Asya upang makatulong sa paghikayat ng maraming lokal at dayuhang mamumuhunan at makalikha ng dagdag na trabaho na mag-aangat sa ekonomiya ng bansa. Kabilang sa mahahalagang gawain upang i-promote ang Subic ay ang epektibong kampanya para sa impormasyon at promosyon nito.
Sa iyong palagay, epektibo ba at sapat ang ginagawang information and promotion campaign ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) upang "maibenta" ang Subic Freeport sa mga negosyante at turista? Bakit?
Last edited by Ruben Tagalog : 01-27-2005 at 12:47 AM.
|