Batas ng Simbahan o Pamahalaan
Ang ating pananaw ay hinubog sa paniwala na ang anomang usapin ukol sa Simbahan at Pamahalaan ay dapat ay magkahiwalay at hindi pinagtatalunan sa iisang forum. "Separation of Church and State," ito ang inungkil sa isipan natin bago pa man tayo natutong umunawa ng mga kataga mula sa Saligang Batas at Bibliya.
Ang paniwalang ito ay unti-unti nang gumuguho dahil sa pagpapalitan ng mga pasaring o pahapyaw na panawagan ng Simbahan na kontra samga programa na isinusulong ng Pamahalaan, kabilang ang Diborsyo at Pagpaplano ng Pamilya. Gayundin din naman, ang tuwirang pakikilahok o impluwensya ng Simbahan sa takbo ng politika.
Ang resulta, lalo lamang nalilito ang Sambayanan kung ano ang tama. O dili kaya ay nagkakasala sa batas ng Simbahan dahil sa pagsuporta sa mga programa ng pamahalaan na kailangan din namang magtagumpay upang mapigilan ang lalong pagbagsak ng bansa.
Makatwiran ba ang tuwiran o hindi tuwirang pakikilahok ng Simbahan sa politika at pamamahala ng bansa? Hanggang saan nga ba ang hanggangan, kung dapat mang mayroon, ng pakikilahok ng Simbahan at Pamahalaan sa kabilang panig?
|