Kasino sa Peryahan, dapat wakasan
Tradisyon na sa Pilipinas na kapag nalalapit na ang Kapisyahan ng bayan o barangay ay magtatayo na ng Karnabal doon. Ngunit nang lumaon, unti-unti nang nawawala ang mga karnabal at napalitan na ito ng PERYAHAN. Bagamat naroon pa rin ang tsubibo (ferries wheel) at iba pang "rides" ay mapupuna ang napakadaming sugalan, tulad ng beto-beto, sa pula- sa puti, bolabola at marami pang iba. Ngunit ang nakakabahala dito ay ang pagpapahintulot sa mga bata na magsugal doon habang ang mga lokal na awtoridad, pangasiwaan ng peryahan at mga residente ay animo nagwawalang-kibo.
Sa nabanggit na kaganapan, naniniwala ka ba o hindi na ang peryahan ay pronta lamang ng pasugalan sa komunidad? Ipaliwanag ang iyong sagot?
|