On health system
Issue: Mga kababayan, ano ang masabi nyo tungkol sa ating health system...may para-an ba na mapa ayos ito?
May pag-asa pa ba na tayong mga pilipino na someday to be better than our current situations?
Sagot: Sa aking palagay ay mayroon pang pagkakataon na mapaayos ang ating health system. Bagama't mahirap paniwalaan ay magagawa. Ang solusyon lamang ay iisa---- DISIPLINA sa pagpapatupad ng batas... lahat ng batas.
Wala kasing disiplina ang mga nag-akda, nagpapatupad at nagpaparusa sa mga lumalabag sa batas.
Ang mga mambabatas, matapos maipasa ang kanilang panukala at maging ganap na batas ay hindi na nagagawang suriin kung maayos nga itong naipapatupad. Karamihan sa mga mambabatas, itinuturing na isang tropeo lamang ang batas na maidadagdag sa kanilang credentials.
Sa mga nagpapatupad ng batas, maraming loop holes kung kaya nalulusutan sila ng violators. At kung makahuhuli naman ay mas madalas, kung hindi man lagi, ay nasusuhulan ng mga lumalabag kung kaya patuloy na nababalewala ang anumang batas, hindi lamang ukol sa kalusugan.
Ang nagpapatupad sa pagpataw ng kaparusahan sa mga lumalabag sa batas ay wala ding magawa kung hindi ibigay ang kapritso ng mayayaman at maimpluwensyang akusado kapalit ng malaking halaga ng salapi.
Tingna nyo ang clean air act. Ayon sa batas, bawal ang manigarilyo sa loob ng pampasaherong sasakyan (jeep o bus), e bakit pati driver na naninigarilyo ay hindi nahuhuli ng mga awtoridad? Kailangan na namang maging epidemya ang TB, bago magkaroon ng pagkakataon ang mambabatas na suriin kung ipinatutupad ba ang kanyang naipanukalang batas.
|